October 8, 1996
DAR OPINION NO. 86-96
G. Quirino Surio
Dakila, Malolos
Bulacan
Ginoong Surio:
Ito ay tugon sa inyong liham na ipinadala sa aming tanggapan hinggil sa katanungan na kung ang "homelot" na iginawad sa inyo ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan ay puwedeng gamiting isang restaurant.
Ayon sa Section 24 ng Republic Act 3844 (Agrarian Reform Code of the Philippines), ang magsasaka ay may karapatan na bigyan ng kapirasong lupa na ang sukat ay hindi hihigit sa 1,000 metro kuwadrado para ito ay kanyang gamitin na panghabambuhay na tirahan. At malinaw din na nakasaad sa DAR Administrative Order No. 12, Series of 1991 na ang "homelot" a hindi lamang para sa panghabambuhay na tirahan na magsasaka at ng kanyang pamilya kundi pati na rin taniman ng mga gulay, manukan, babuyan, hayupan at maliit na negosyo.
Kung kaya't ang iyong balak na maglagay ng isang restaurant sa bahagi ng "homelot" na iginawad sa inyo ng pamahalaan ay hindi labag sa batas sa kadahilanang ito ay maaarig makakatulonng sa maliit na kita ng magsasaka. Dahil dito ang antas ng iyong pamumuhay ay makakaangat sa kahirapan dulot ng maliit na kita na nagmumula sa pagsasaka. Sa madaling salita ang paglalagay ng maliit na restaurant o kainan ay hindi na kailangan pa ng conversion order.
Kami ay umaasa na kayo ay aming napaliwanagan sa iyong suliranin.
Lubos na gumagalang
(SGD.) LORENZO R. REYES
OIC-Undersecretary
LAFMA
Copy furnished:
The Municipal Agrarian Reform Officer
DAR, Malolos, Bulacan